(The Flying ducks)

Sila po ang mga pato sa aming neighborhood. Kasama nila ay mga pukeko at kung minsan naman ay mga sea gulls na palipa-lipana lamang sa kung saan-saan. May isang linggo na kasi silang hindi nadadalaw sa tapat ng aming bahay kaya kahit malamig ang hangin pero mataas naman ang araw, nilakad ko ang malapit na reserve area sa amin. Wala pang limang minuto ay nandito na ako, dala ang aking bagong biling cookbook upang magbasa-basa. May dala din akong tinapay para sa aking mga paboritong mga kalaro. Kaysarap nilang tingnan, hindi ba? Malayang nagagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. Malayang manirahan sa kung saang lugar nila gusto manatili.


Isa sa nagustuhan ko sa libro ay dahil may ilang recipe na Pinoy. Hindi ba’t nakakatuwa ‘yon? Akala ko ay may nakalimot na naman na ang Pilipinas ay nasa Asya…

At bago ko sila iniwan… tinugis ko muna ng kaunti para makuhaan ng litrato ang mga patong lumilipad hehehehe
Para sa Litratong Pinoy.. kalayaan edition.

Related posts:
- LP#7 Apoy Kaysarap ng inihaw! Ang lutuin ang pagkain sa init ng...
- LP#9: Ihip ng Hangin Taglagas na talaga! Sa ihip ng hangin ay naglalaglagan ang...
- LP#10: Pag-iisang Dibdib Sa gabing malamig suot ay magkaternong foot warmers. Ang manood...
- Ang Luto ni Tatay (On steamed shrimps and wayfarers) Kung minsan hindi maiiwasan na...
- Ang Pag-aaral at Tsokolate (Chocolate- Food for the Brain) Sabi ng karamihan, ‘wag bigyan...











16 Comments
Permalink
Ah susme, pukeko pala tawag sa ibon na yan? (natatawa ako habang nagiiwan ng comment he he)
mukhang marami ka ngang dalang tinapay at dinumog ka, sister.
Happy Tersdei, iska!
Permalink
ayos ito sister, may akda na may ehersisyo pa!
Permalink
Ang daming pato! Sana naman ay hindi uso ang bird flu diyan. Nakakaingit silang lumipad… yan ang tunay na kalayaan.
Happy LP!
Clicking Aways last blog post..LP011 - Kalayaan
Permalink
Ang gaganda nila pati ang pagkakakuha mo at ang anggulo) (ano ba ang pato sa ingles?) Ang pagkakilala ko sa kanila ay bibe hehe…aliw n aliw ang aking mga anak na pakainin sila ng tinapay…
Natawa naman ako sa salitang ‘tinugis’ hehehehe, pero ok nman at maganda ang litrato!
G_mirages last blog post..Litratong Pinoy - Kalayaan (Freedom)
Permalink
maligayang araw ng kalayaan ka iska…:)
linos last blog post..kalayaan…(freedom)
Permalink
hmmm…. pukeko… ang sarap namang magbasa ng libro dyan…
Permalink
Akala ko sasabihin mo na pansamantalang kalayaan lang meron sila dahil pag nahuli sila, tiyak, sila ang “main attraction” sa bagong recipe na binabasa mo - hahaha!
Ang ganda ng mga kuha mo - bilib ako! Gandang LP sa iyo!
Pinkys last blog post..LP #11: Kalayaan
Permalink
Tunay ka iska, napakaganda ng mga larawan mo. Akala ko pinag-aaralan mo na kung anong luto ang masarap sa pato lol!
Salamat sa pagbahagi.
NONAs last blog post..LP # 11-Kalayaan
Permalink
maraming pato din dito sa park na malapit sa amin…tuwang tuwa ang mga anak ko sa pagpapakain sa kanila gaya mo. napaka gandang pagmasadan ang mga ito dahil sila’y malayang lalangoy-langoy at lilipadlipad saan man nila gustuhin
Reflexess last blog post..Tickle my Bones #3
Permalink
nakakatawa ka naman, tinugis mo pa ang mga pato, at parang may ibig sabihin din ang cookbook sa tabi…hmm di kaya peking duck at hindi pukeko (ay ano ba yan!) ang balak mo? (iskandalosa!) joks lang
happy lp!
teyss last blog post..LP#11 - Kalayaan
Permalink
Ang gaganda ng larawan at natuwa ako at kasama pa ang libro na iyong binasa. Nung una nga akala ko na ang ibig sabihin ng mga larawan ay walang kalayaan ang mga pato dahil lulutiin din sila! Haha!
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Buges last blog post..1st Litratong Pinoy EB: Kodakan Para Sa Kalayaan
Permalink
akala ko naghahanap ka ng recipe para sa mga pato. hehehe. maligayang lp!
tonis last blog post..Kalayaan Ko: Hipon!
Permalink
Sana kasindali ng paglipad ng mga ibon, puwede din nating gawin kapag tayo ay may problema
julies last blog post..Kalayaan - Freedom
Permalink
alam mo may libro rin akong ganyan. regalo sa nung kasal namin.
awa ng dyos, di pa nagagamit. ha ha.
happy weekend!
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
christines last blog post..LP 1: Kalayaan (Freedom)
Permalink
parang napaka relaxing naman ng iyong ginawa nang araw na iyon…
Linnors last blog post..Kalayaan
Permalink
Maraming salamat sa inyong mga dalaw at comments. Natawa ako sa inyong iniisip na iniisipan ko na ng Asian cooking ang mga pato hahahaha ala-Peking duck ba?
Oo, sila dito ay malaya at bawal hulihin at saktan. Ikaw ay “rude” pag ginawa mo yun. Hindi din sila takot dahil sanay silang pinapakain ng mga tao…