Sa gawing kanluran…
Ang pagkain ay hamburger. Hahaha! Ang ibig ko bang sabihin ay ito ang unang pumapasok sa isipan ‘pag ang pinag-uusapan ay pagkain sa bansang Amerika. Tulad ng nakaraang July 4, nagyaya ang ilang mga kaopisina kong Kano na mag lunch out bilang pagse-celebrate ng kanilang espesyal na okasyon. Hindi nga ako sana sasama dahil meron akong baong pagkain pero napilit ako ng kanong katabi ko dahil bilang isang Pinoy na minsan ay nag-celebrate ng Independence Day sa parehong araw ay higit kanino man ay may K daw akong sumama. E di syempre… sama ang lola nyo (bukod sa matagal na din ako hindi gumagastos hehehehe….) Hulaan nyo saan kami kumain? Sabi ng kano…ang pagpipilian ay Mcdo o Burger King. Burger King kami! Yey! May libre pang Batman na laruan ang kiddie meal!
Para sa Litratong Pinoy #17, eto ang aking masarap na burger steak, mas masarap kasi sa kanin kesa sa tinapay hehehehe…


(Homemade burger steak with mushroom sauce)
Eto naman ay ilang litrato ng takipsilim, kung saan lumulubog ang araw sa gawing kanluran. Kung bakit naman ay kuha silang lahat ng malamig o maulan na panahon.

(Ninety Mile Beach, Ahipara Bay)

(Huntly Power Station, Waikato)
(West of Ikea, Beijing)
Related posts:
- LP#7 Apoy Kaysarap ng inihaw! Ang lutuin ang pagkain sa init ng...
- LP20: Liwaliw sa Beijing Mula ng dumating at manirahan kami sa Beijing noong 2002,...
- LP#9: Ihip ng Hangin Taglagas na talaga! Sa ihip ng hangin ay naglalaglagan ang...
- LP#10: Pag-iisang Dibdib Sa gabing malamig suot ay magkaternong foot warmers. Ang manood...
- LP#11: Pato Mang May Layang Lumipad… (The Flying ducks) Sila po ang mga pato sa aming...












9 Comments
Permalink
yum… mukhang masarap ang burger steak na yan
Permalink
ahhh susme, mali ang timing ng dalaw ko dahil kumukulo tyan ko sa gutom, ngayon nagwawala na talaga dahil nakita burgers mo hu hu!
tita Iska, ang ganda ng shot mo sa beach!
Permalink
uy! may lahok tayong pareho! hehe! burger!burger!
magandang araw sa’yo!
lidies last blog post..LP #17 :: Sa Gawing Kanluran
Permalink
Maganda lahat ng kuha ng sunset. Paborito ko yung pinakahuli. Kuhang-kuha ang pagkabilog ng araw.
Lynns last blog post..Kanluran (West)
Permalink
nice sunsets shots! now i remember i had a lot of ‘em too, too late:) so are you settled yet?
Permalink
ahhhmm, sunset…:)
Permalink
ganda naman ng kuha mo sa burger steak, parang pro…
linos last blog post..sa gawing kanluran…(west)
Permalink
Totoo, mas masarap sa kanin ang burger steak. Lalo na kung may gravy pa.
Ang ganda ng iba’t ibang version mo ng takipsilim…
Linnors last blog post..Sa Gawing Kanluran
Permalink
Dramatic ang mga larawan at nakakagutom naman ang una. Sensiya parang huli yata ako dito? Hinahanap ko pati si dalampasigan.
Nonas last blog post..A perfect blend of friendship award