17 Apr

Litratong Pinoy 3: Apat na Kanto

Sa kabisihan, ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa isa pang LP… ang Litratong Pinoy. Nakita ko sa blog ni kaibigang Cecilia. Sayang at sana nakasali ako sa mga naunang tema. Mahilig din po kasi ako kumuha ng mga litrato kahit na halatang obvious na hindi propesyonal.

Kaya tuloy para sa aking unang Huwebes…


(Milk chocolate with colorful, flavored crispy coating)
Mukhang pang-aquarium, may asul, may pula, dilaw at berde
Masarap, matamis at sa Peking ay kung sa’n sa’n lang nabibili
Tsokolateng mukhang batong pamukpok sa ulo
Pag hinati sa gitna lalabas ang apat na kanto.
Larawang una kong nailathala dito.


Ang garlic bread…
Masarap na kasalo ng spaghetti.
Kung paano ko ito gawin ay napakasimple.
Ang dinikdik na bawang sa butter ay igisa…
pagkatapos ay ipahid sa toasted bread. Sarap na!


Ang French toast
Paborito ng anak ko at simple lang din naman.
Paghaluin ang itlog, gatas at asukal sa isang malukong na pinggan.
Dito ang magkabilang pisngi ng tinapay ay ibabad ng kaunti.
Pagkatapos ay sa tinunaw na butter itusta sa kawali.


(Pork hamonado)
Ang apat na sulok ng nagmumurang taba ng baboy. Huwawww!!!
Dito
po basahin kung paano lutuin.

lp2.jpg

No related posts.

18 Comments

  1. 1 17 April 08 at 1:19 am
    Permalink

    aba naman! at naunahan mo pa ako sa ikatlong LP! hahaha! paumanhin, at talaga namang sasabihan kita, bisi nga! hahaha! ay sha, ako naman ang maghahanap ng apat na kanto:) nice shots sister!

  2. 2 17 April 08 at 8:50 pm
    Permalink

    Iska! Ang sarap naman ng mga parisulat dito sa bahay mo. Pati yung nasa bento box entry mo, ok din :)

    Maligayang araw ng Huwebes sa iyo (bagaman hapon na dito).

  3. 3 17 April 08 at 9:00 pm
    Permalink

    Nakakagutom. Sabi na nga ba, bawang yun. Ang ganda ng mga litrato.

  4. 4 18 April 08 at 2:36 am
    Permalink

    katakam-takam naman ng iyong lahok para sa LP, lalo na yung huli. parang biglang tumaas ang dugo ko pagkakita ko pa lang hehe!

    welcome to LP, iska! :)

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

  5. 5 18 April 08 at 3:45 am
    Permalink

    oh my gulay. nagugutom ako sa piktyurs mo :D

  6. 6 18 April 08 at 4:19 am
    Permalink

    ito ang pinakagusto ko sa lahat ng lahok ngayon basta pagkain solve! heheh

    ang galing ng mga kuha mo iska!

  7. 7 18 April 08 at 9:16 am
    Permalink

    Hi Iska! Yey!! ang galing nyo naman nila tita ces at Tita babyrambutan, mga chefs na, photographers pa!

    welcome sa LP….mabilisan na tingin lang at gabi na dito, mahirap gutumin ha ha ha!

  8. 8 18 April 08 at 9:26 am
    Permalink

    Iska, paborito ko yung rock chocolate na iyan…nabibili ko yan sa Aji Ichiban dati… kaso wala ng ganoon sa Pinas eh.

    Nakakagutom naman itong entry mo… the hamonado looks so yummy.

  9. 9 18 April 08 at 11:35 am
    Permalink

    Hi Iska! Welcome sa LP! :)

    Sobrang naaliw ako sa title ng blog mo at mas lalo akong natuwa (at nagutom na rin) sa unang lahok mo ngayong linggo - sarap-sarap! Di mo naitatanong e paborito namin ng asawa ko ang “rock candy” habang gustong-gusto din ng mga anak ko ang French toast.

    Asahan mong dadalaw uli ako sa susunod na Huwebes… Ingat! :D

  10. 10 18 April 08 at 1:35 pm
    Permalink

    nakakagutom ang iyong mga parisukat! yum! hehe!
    magandang araw sa’yo!

  11. 11 18 April 08 at 9:16 pm
    Permalink

    aba ces, syempre naunahan kita dahil unang sumisikat ang araw further down under :-)

    hi julie, alpha, meeya,
    salamat at nasarapan kayo sa aking mga larawan!  nalula ka ba sa taba, meeya?  hehehe pramis masarap sya at hindi nakakahilo dahil melts in your mouth sya…
    Em Dy, mousey, lidie,
    salamat din at bukod sa nagutom kayo ay nagustuhan nyo ang aking mga pektyurs…

    hi thess! alam ko isa ka din chef. at ang ganda ng magnet mo ha…

    clicking away, Pinky,
    oo nga masarap yung chokolateng yun. pero sa beijing lang ako talaga nakatakim noon…

    Pinky, salamat sa welcome! naISKAndalo ka ba sa URL ko? hehehehe si hubby kasi ang nagregalo sa akin nyan. kailangan ko daw ng may dating na URL hehehehe ang kulit!

  12. 12 19 April 08 at 12:59 am
    Permalink

    nice site! nice pictures! love it! yummy! :)

  13. 13 19 April 08 at 2:26 am
    Permalink

    ang sasarap naman nyang mga litrato mo!!! mahilig ako sa tsokolate at garlic bread pero un panghuli medyo nakaka-high-blood ata, pero kakainin ko pa din yan kasi matakaw ako! hahaha! :D hanggang sa susunod na huwebes!

  14. 14 19 April 08 at 9:20 pm
    Permalink

    una ko itong pagbisita sa iyong site. nakakagutom ang mga lahok mo, hehehe! hanggang sa susunod na linggo sa LP, katoto! :)

  15. 15 20 April 08 at 12:12 am
    Permalink

    Nakakagutom naman ang apat na kanto na to. Paborito ko din yung mga tsokolate na parang bato! :)

    http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-apat-na-kanto.html

  16. 16 22 April 08 at 11:56 am
    Permalink

    grabe naman! nagugutom tuloy ako…hindi pa naman ako makakain because of my minor oral operation.

    ang ganda ng iyong mga kuha :)

  17. 17 23 April 08 at 11:56 pm
    Permalink

    Hi yvelle, Dragon Lady! Salamat sa dalaw :-) hanggang sa muli!
    Hello Grey, OK lang yan basta hindi naman araw araw hindi ba? masarap kasi ang taba ewan ko ba :D
    Buge and Lizette, sana nakakagutom din uli ang mabigay kong litrato bukas.

  18. 18
    u8mypinkcookies
    26 April 08 at 3:26 am
    Permalink

    yummy yung milk chocolate na yan. yung parang rocks! :D

One Trackback

  1. 4 May 08 at 6:39 pm

    [...] Litratong Pinoy 3: Apat na Kanto [...]

Add Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*
CommentLuv Enabled

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.
Anti-spam image