24 Apr

LP4: Hugis ay Pahaba

Ito na po ang aking pangalawang Huwebes para sa Litratong Pinoy na may temang hugis ay pahaba. Ano ang ibig sabihin? Ako’y magiging aprubadong litratista na ng LP… yehey! O sya… simulan ko na!

(The anchovy and Ikea chopsticks )

Opo, alam ko pong hindi tsina-chopsticks ang dilis pero for the sake of litrato e chinapstiks ko ang dilis. Ang matindi po nyan ay kinaliwa ko pa ang pagkuha ng larawan. Ang kahabaan ng aking mga daliri sa kanang kamay habang kinokodakan ko gamit ang aking kaliwang kamay. Mas mahirap sa akin ang humawak ng chopsticks gamit ang kaliwa.

(That’s moi… )
Kuha sa Beijing nung nakalipas na pasko at bagong taon. Larawang unang nalathala dito.

(A tower on a cold winter night)
At kahit na food blog po ang aking ISKAndals e gusto ko lang i-share ang kuha ko ng Sky Tower sa Auckland City mga 6 na buwan na ang nakararaan. Mga alas-dos siguro po yan ng madaling araw, malamig at pauwi na kami galing casino kung saan hinanapan ako ng ID… napagkamalang underage ang lola nyo!

Related posts:

  1. LP#37: Mahalagang Regalo Ako ay isang taong hindi mahirap regaluhan. Mababaw lang naman...
  2. Ang Malungkot na LP5 Nagbakasyon sa New Zealand para hanapin si Gollum at Frodo....

21 Comments

  1. 1 24 April 08 at 1:17 pm
    Permalink

    mukhang na-m-miss mo ang Beijing kapatid!

  2. 2 24 April 08 at 2:15 pm
    Permalink

    ang cool ng dilis! :) hay..gusto ko ng dilis..siguro soon pwede na kong kumain nyan ulit..samahan ko ng itlog na pula with kamatis :D

  3. 3 24 April 08 at 3:11 pm
    Permalink

    nice shots! gusto ko yung dilis na chinopstik! :)
    have a nice day!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html

  4. 4 24 April 08 at 3:45 pm
    Permalink

    Ganda ng mga larawan mo, Iska. Sosyal ang chopsticks, Ikea :D Yan ang di ko matutunang hawakan, hehe.

    Nagandang araw sa iyo.

  5. 5 24 April 08 at 4:10 pm
    Permalink

    ayos… magandang araw ng huwebes….

  6. 6 24 April 08 at 4:36 pm
    Permalink

    uy ang sarap ng dilis…

    pahirapan pla pag kuha mo sa pic no. 2…pero I can say na artistic pa din ang pagkuha mo imagine, na-i angulo mo yung kuha mo na magkatapt ang mata at chopsticks…hirap kaya yan, hehehhe

    ganda ng pic 3. ang taas taas nyan…dahil sa LP para na rin akong nakalabas sa PInas. :)

    Gandang LP

  7. 7 24 April 08 at 8:31 pm
    Permalink

    Iniisip ko paano mo nakunan sa kaliwa dahil sa shutter..ang galing mo Iska!
    Ikaw yung nasa piktyur? mukhang dalaginding nga :)

  8. 8 24 April 08 at 10:05 pm
    Permalink

    haha… galing.. ako hanggang ngayon hindi marunong magchopsticks kaya ayan,, kahit maki.. tinitiidor ko!

  9. 9 24 April 08 at 10:10 pm
    Permalink

    brrr… parang ang lamig nga tingnan litrato ng tower :)

  10. 10 24 April 08 at 10:32 pm
    Permalink

    Hindi din ako bihasa sa chopsticks. Pero nakakabubos pa rin ng ulam maski na. Pag may dilis sa Japanese restaurant, ginagamitan ko din ito ng chopsticks. Sarap!

  11. 11 24 April 08 at 11:59 pm
    Permalink

    ayos tong dilis ah! at least kahit minsan sa buhay nya ay na-chopstick siya. hehe. good one. :)

  12. 12 25 April 08 at 12:29 am
    Permalink

    sarap ng dilis! susay ba yan? heheh

  13. 13 25 April 08 at 12:59 am
    Permalink

    Uy parang ang sarap ng dilis! Kool din ang pagkakauha mo… nahirapan ka man eh maganda naman ang kinalabasan! :)

  14. 14 25 April 08 at 2:05 am
    Permalink

    dilisilog… nagutom na naman ako…

  15. 15 25 April 08 at 3:07 am
    Permalink

    i like the dilis shot, na-prove mo tuloy na ambidextrous ka, hehe. paano mo napindot ang click click mula sa kaliwa?? wow, palaisipan, hehe. :)

    maligayang huwebes!

    MyMemes: LP Pahaba
    MyFinds: LP Pahaba

  16. 16 25 April 08 at 3:58 am
    Permalink

    Medyo challenging na setup nga ang ginawa mo sa dilis ah, pero ayus lang, maganda naman ang kinalabasan:D

  17. 17 25 April 08 at 4:40 am
    Permalink

    ang ganda na chopsticks mo, red :) at ang dilis ha, tumititig!! :)

  18. 18 25 April 08 at 10:02 am
    Permalink

    chinachopstick din ang dilis! sa mga japanese restaurant sa atin ay appetizer ito, diba? kaya lusot ang dilis mong chinopstick. hee hee!

    Mga Pahaba sa Dallas
    Mga Pahaba sa Houston

  19. 19 25 April 08 at 11:54 am
    Permalink

    maraming salamat sa inyong lahat na dumalaw sa aking hamak na blog. nawa’y magustuhan nyo pa ang mga pektyurs ko sa mga susunod na palaro ng LP. ang saya saya! :-)
    sagot sa mga katanungan…
    unang litrato: dahil ang mga kamay ko ang puhunan ko sa aking trabaho, alaga ko sya. so far e wala po akong pasma, walang nginig ang kamay kahit kaliwa… kaya kayang magpektyur ng naiiwasan ang pagiging blurry.  (on the 2nd thought, baka nga ambidextrous ako, i like that :-) )
    pangalawang litrato: kailangan lang ay hindi mo nakikita ang viewfinder habang nakatapat ang chopsticks sa camera. siguradong matatakpan ang mata.
    pangatlong litrato: medyo maulap sa lamig kaya po ramdam ang lamig sa larawan.
    pahabol… mura lang po ang chopsticks sa ikea beijing hehehehe

  20. 20 25 April 08 at 10:28 pm
    Permalink

    hi iska, ke gandang babae kepanghi ng pangalan haha, *joke* lang ha..peace tayo.
    Galing mo humawak ng chopstick sabay kodak ah…gusto ko rin ang litrato mong tower akmang akma sa hugis pahaba.
    Dati ka pala sa Beijing…at pareho pa tayong arkitekto. apir!
    O siya welkam sa LP, add ko etong site mo sa links ko…mahilig ako kumain kaya makikikain ako dito. Nice meeting you :)

  21. 21 26 April 08 at 4:54 am
    Permalink

    hahaha, natuwa naman ako sa dilis na china-chopstick pa ;-)

Add Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*
CommentLuv Enabled

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.
Anti-spam image