LP#37: Mahalagang Regalo

Ako ay isang taong hindi mahirap regaluhan.
Mababaw lang naman ang aking kaligayahan.
Maligaya ako basta’t masaya ang aking unico hijo; siya na rin yatang pinakamahalagang regalong natanggap ko sa buhay ko.
Maligaya din ako na sa araw-araw ay may biyaya sa aming hapag-kainan.

(Little A and food on the dining table.)

Sa panahon ngayon ng recession at sandamakmak na redundancy,
… mahalagang regalo para sa amin ang balitang kami ay residente na dito sa bansa ni Gollum.
Maligaya kami’t magkakasama dito para sa aming unang pasko.

(Munching on M&Ms watching this City of Sails, autumn early this year)

Continue reading “LP#37: Mahalagang Regalo”

iskandals-dilis.jpg

LP4: Hugis ay Pahaba

Ito na po ang aking pangalawang Huwebes para sa Litratong Pinoy na may temang hugis ay pahaba. Ano ang ibig sabihin? Ako’y magiging aprubadong litratista na ng LP… yehey! O sya… simulan ko na!

(The anchovy and Ikea chopsticks )

Opo, alam ko pong hindi tsina-chopsticks ang dilis pero for the sake of litrato e chinapstiks ko ang dilis. Ang matindi po nyan ay kinaliwa ko pa ang pagkuha ng larawan. Ang kahabaan ng aking mga daliri sa kanang kamay habang kinokodakan ko gamit ang aking kaliwang kamay. Mas mahirap sa akin ang humawak ng chopsticks gamit ang kaliwa.
Continue reading “LP4: Hugis ay Pahaba”