iskandals-peking-duck3.jpg

LP20: Liwaliw sa Beijing

Mula ng dumating at manirahan kami sa Beijing noong 2002, ang parati kong tanong ay “nandito pa kaya tayo sa Olympics?” Ngayon alam ko na ang sagot… wala na! Hahahaha! Pero kahit nandun pa kami malamang ay hindi din kami makakapanood. Sa dami ng tao lalo na mayaman at mga makapangyarihang politiko, mahirap makakuha ng tiket ang isang ordinaryong expat. Sabi nga ng mga kaibigan ko doon (lokal man o Pinoy), ang mabibili mo lang sa ngayon ay entrance para sa mga larong hindi popular at hindi sa Bird’s Nest o Water Cube. Sold-out na lahat.

Hindi na bale… hahandugan ko na lang kayo ng mga larawan ko sa Beijing. Kung pupunta ka sa capital ng Tsina, wag kalimutang tumikim ng Peking duck. Yan po ang aking huling Peking duck sa Peking nung aking huling birthday doon.

(Where else to enjoy the best Peking duck but in Peking a.k.a. Beijing!)

Opkors, kailangang ipagyabang ko ang larawan ko sa Bird’s Nest noong nakaraang liwaliw ko nung Pasko sa Beijing… kung saan ginanap ang opening ng Olympics Games ngayon.
iskandals-birdnest.jpg
(The Bird’s Nest still under construction.)

Continue reading “LP20: Liwaliw sa Beijing”