Sa gawing kanluran…
Ang pagkain ay hamburger. Hahaha! Ang ibig ko bang sabihin ay ito ang unang pumapasok sa isipan ‘pag ang pinag-uusapan ay pagkain sa bansang Amerika. Tulad ng nakaraang July 4, nagyaya ang ilang mga kaopisina kong Kano na mag lunch out bilang pagse-celebrate ng kanilang espesyal na okasyon. Hindi nga ako sana sasama dahil meron akong baong pagkain pero napilit ako ng kanong katabi ko dahil bilang isang Pinoy na minsan ay nag-celebrate ng Independence Day sa parehong araw ay higit kanino man ay may K daw akong sumama. E di syempre… sama ang lola nyo (bukod sa matagal na din ako hindi gumagastos hehehehe….) Hulaan nyo saan kami kumain? Sabi ng kano…ang pagpipilian ay Mcdo o Burger King. Burger King kami! Yey! May libre pang Batman na laruan ang kiddie meal!
Para sa Litratong Pinoy #17, eto ang aking masarap na burger steak, mas masarap kasi sa kanin kesa sa tinapay hehehehe…
(Homemade burger steak with mushroom sauce)
Continue reading “LP#17 – Sa Gawing Kanluran”