LP#27: Aking Kompyuter

Eto ang aking kompyuter. Ang aking buhay sa bahay pag walang magawa.
Pag weekends at hindi lumabas ng bahay.
Pag tapos na magluto o maghugas ng pinggan o maglinis ng bahay.

Pag weekdays naman ay kaharap pa din pag-uwi ng bahay galing trabaho.
Pag walang lakad sa gabi. As usual, pagkatapos kumain ng hapunan.
Sa mga araw na hindi type ang palabas sa TV o walang bagong DVD na panonoorin.

iskandals-mycomp3.jpg
(ISKAndals.com)

iskandals-mycomp2.jpg
(That’s how my page looks when you click the “pull” tag…)

Continue reading “LP#27: Aking Kompyuter”

iskandals-peking-duck3.jpg

LP20: Liwaliw sa Beijing

Mula ng dumating at manirahan kami sa Beijing noong 2002, ang parati kong tanong ay “nandito pa kaya tayo sa Olympics?” Ngayon alam ko na ang sagot… wala na! Hahahaha! Pero kahit nandun pa kami malamang ay hindi din kami makakapanood. Sa dami ng tao lalo na mayaman at mga makapangyarihang politiko, mahirap makakuha ng tiket ang isang ordinaryong expat. Sabi nga ng mga kaibigan ko doon (lokal man o Pinoy), ang mabibili mo lang sa ngayon ay entrance para sa mga larong hindi popular at hindi sa Bird’s Nest o Water Cube. Sold-out na lahat.

Hindi na bale… hahandugan ko na lang kayo ng mga larawan ko sa Beijing. Kung pupunta ka sa capital ng Tsina, wag kalimutang tumikim ng Peking duck. Yan po ang aking huling Peking duck sa Peking nung aking huling birthday doon.

(Where else to enjoy the best Peking duck but in Peking a.k.a. Beijing!)

Opkors, kailangang ipagyabang ko ang larawan ko sa Bird’s Nest noong nakaraang liwaliw ko nung Pasko sa Beijing… kung saan ginanap ang opening ng Olympics Games ngayon.
iskandals-birdnest.jpg
(The Bird’s Nest still under construction.)

Continue reading “LP20: Liwaliw sa Beijing”

iskandals-cake2.jpg

La.Pi.S07: A Birthday Cake

Oh yeah… Ces has announced to the whole blogging world it’s our birthday week! Woo hoo!

I could have waited till my day and blog about it but I remember my kid’s cake last January that I never had the time to show off…

iskandals-cake1.jpg

When he’s sixteen, he could brag to his friends that while everybody else had their 7th birthday parties at McDonalds or Jollibee, he’s had his at Hooters! Complete with a birthday song and kisses from the ladies! You should see how happy he was!

iskandals-cake2.jpg

Continue reading “La.Pi.S07: A Birthday Cake”

iskandals-burger3.jpg

LP#17 – Sa Gawing Kanluran

Sa gawing kanluran…

Ang pagkain ay hamburger. Hahaha! Ang ibig ko bang sabihin ay ito ang unang pumapasok sa isipan ‘pag ang pinag-uusapan ay pagkain sa bansang Amerika. Tulad ng nakaraang July 4, nagyaya ang ilang mga kaopisina kong Kano na mag lunch out bilang pagse-celebrate ng kanilang espesyal na okasyon. Hindi nga ako sana sasama dahil meron akong baong pagkain pero napilit ako ng kanong katabi ko dahil bilang isang Pinoy na minsan ay nag-celebrate ng Independence Day sa parehong araw ay higit kanino man ay may K daw akong sumama. E di syempre… sama ang lola nyo (bukod sa matagal na din ako hindi gumagastos hehehehe….) Hulaan nyo saan kami kumain? Sabi ng kano…ang pagpipilian ay Mcdo o Burger King. Burger King kami! Yey! May libre pang Batman na laruan ang kiddie meal!

Para sa Litratong Pinoy #17, eto ang aking masarap na burger steak, mas masarap kasi sa kanin kesa sa tinapay hehehehe…
iskandals-burger3.jpgiskandals-burger1.jpg
(Homemade burger steak with mushroom sauce)

Continue reading “LP#17 – Sa Gawing Kanluran”

iskandals-kangkong.jpg

LP#16: Luntian

Ang kangkong, bow!

Masarap na katerno ng kahit na anong prito. Masarap na sawsawan ay bagoong o alamang o patis o kahit na asin lang para sa mga taong nangangati sa maalat. Sa ibang bansa, tinatawag ito ng aking mga kaibigang non-pinoy na “river spinach.” O hindi ba’t ang sosi?
iskandals-kangkong.jpg
(Steamed river spinach)

Ito naman ang masarap na asparagus. Luntian ang kulay na pinatingkad ng aking piniritong unagi o isdang Hapon sa ibabaw ng mapulang pinggang Tsino! Yum!
iskandals-unagi.jpg
(Steamed asparagus and unagi)

Continue reading “LP#16: Luntian”