(The Flying ducks)
Sila po ang mga pato sa aming neighborhood. Kasama nila ay mga pukeko at kung minsan naman ay mga sea gulls na palipa-lipana lamang sa kung saan-saan. May isang linggo na kasi silang hindi nadadalaw sa tapat ng aming bahay kaya kahit malamig ang hangin pero mataas naman ang araw, nilakad ko ang malapit na reserve area sa amin. Wala pang limang minuto ay nandito na ako, dala ang aking bagong biling cookbook upang magbasa-basa. May dala din akong tinapay para sa aking mga paboritong mga kalaro. Kaysarap nilang tingnan, hindi ba? Malayang nagagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. Malayang manirahan sa kung saang lugar nila gusto manatili.
Isa sa nagustuhan ko sa libro ay dahil may ilang recipe na Pinoy. Hindi ba’t nakakatuwa ‘yon? Akala ko ay may nakalimot na naman na ang Pilipinas ay nasa Asya…
At bago ko sila iniwan… tinugis ko muna ng kaunti para makuhaan ng litrato ang mga patong lumilipad hehehehe
Para sa Litratong Pinoy.. kalayaan edition.
I am not a professional cook. My only claim to having a culinary background is a short stint as my dad’s teen ‘sous chef’ in his carinderia ages ago. Dad ran small eateries since I was a young kid - serving standard ‘turo-turo’ food ranging from the likes of menudo, adobo, pritong isda, dinuguan, binagoongan, bopis, munggo, pinakbet and giniling to merienda fares like goto, ginataan, pancit bihon, halu-halo and saging con yelo.
My father, a farmer in his hometown before working his way to becoming an accountant, definitely influenced my cooking in a lot of ways than I thought. My siblings and I were raised in a backyard full of fruit trees and vegetable garden. We spent weekends and the summer breaks running around with ducks, chickens, goats and pigs. I had wonderful memories of gathering eggs, butchering chickens, selling vegetables and the sweet aroma of preserved fruits. But my love for art led me to a degree in Architecture. Just few months after getting my license, I went abroad and lived independently at age 23. Definitely no maid, no cook, and a totally different food culture. Along the way I met lots of friends and spent what seemed a lifetime learning new tricks and recipes.
Now living in Auckland, I am a work-from-home mum who juggles time between work, fun and family - in pursuit of work-life balance. No matter how busy I am, I love the idea of cooking for my family. My blog chronicles home cooking greatly influenced by life outside my home country from Southeast Asia to Beijing and Auckland. And most of the time, being busy also means easy (sometimes quick), affordable meals.
Ah susme, pukeko pala tawag sa ibon na yan? (natatawa ako habang nagiiwan ng comment he he)
mukhang marami ka ngang dalang tinapay at dinumog ka, sister.
Happy Tersdei, iska!
ayos ito sister, may akda na may ehersisyo pa!
Ang daming pato! Sana naman ay hindi uso ang bird flu diyan. Nakakaingit silang lumipad… yan ang tunay na kalayaan.
Happy LP!
Clicking Aways last blog post..LP011 – Kalayaan
Ang gaganda nila pati ang pagkakakuha mo at ang anggulo) (ano ba ang pato sa ingles?) Ang pagkakilala ko sa kanila ay bibe hehe…aliw n aliw ang aking mga anak na pakainin sila ng tinapay…
Natawa naman ako sa salitang ‘tinugis’ hehehehe, pero ok nman at maganda ang litrato!
G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Kalayaan (Freedom)
maligayang araw ng kalayaan ka iska…:)
linos last blog post..kalayaan (freedom)
hmmm…. pukeko… ang sarap namang magbasa ng libro dyan…
Akala ko sasabihin mo na pansamantalang kalayaan lang meron sila dahil pag nahuli sila, tiyak, sila ang “main attraction” sa bagong recipe na binabasa mo – hahaha!
Ang ganda ng mga kuha mo – bilib ako! Gandang LP sa iyo!
Pinkys last blog post..LP #11: Kalayaan
Tunay ka iska, napakaganda ng mga larawan mo. Akala ko pinag-aaralan mo na kung anong luto ang masarap sa pato lol!
Salamat sa pagbahagi.
NONAs last blog post..LP # 11-Kalayaan
maraming pato din dito sa park na malapit sa amin…tuwang tuwa ang mga anak ko sa pagpapakain sa kanila gaya mo. napaka gandang pagmasadan ang mga ito dahil sila’y malayang lalangoy-langoy at lilipadlipad saan man nila gustuhin
Reflexess last blog post..Tickle my Bones #3
nakakatawa ka naman, tinugis mo pa ang mga pato, at parang may ibig sabihin din ang cookbook sa tabi…hmm di kaya peking duck at hindi pukeko (ay ano ba yan!) ang balak mo? (iskandalosa!) joks lang
happy lp!
teyss last blog post..LP#11 – Kalayaan
Ang gaganda ng larawan at natuwa ako at kasama pa ang libro na iyong binasa. Nung una nga akala ko na ang ibig sabihin ng mga larawan ay walang kalayaan ang mga pato dahil lulutiin din sila! Haha!
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Buges last blog post..1st Litratong Pinoy EB: Kodakan Para Sa Kalayaan
akala ko naghahanap ka ng recipe para sa mga pato. hehehe. maligayang lp!
tonis last blog post..Kalayaan Ko: Hipon!
Sana kasindali ng paglipad ng mga ibon, puwede din nating gawin kapag tayo ay may problema
julies last blog post..Kalayaan – Freedom
alam mo may libro rin akong ganyan. regalo sa nung kasal namin. awa ng dyos, di pa nagagamit. ha ha.
happy weekend!
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
christines last blog post..LP 1: Kalayaan (Freedom)
parang napaka relaxing naman ng iyong ginawa nang araw na iyon…
Linnors last blog post..Kalayaan
Maraming salamat sa inyong mga dalaw at comments. Natawa ako sa inyong iniisip na iniisipan ko na ng Asian cooking ang mga pato hahahaha ala-Peking duck ba?
Oo, sila dito ay malaya at bawal hulihin at saktan. Ikaw ay “rude” pag ginawa mo yun. Hindi din sila takot dahil sanay silang pinapakain ng mga tao…