Kaya kong kumain ng kanin ng tatlong beses sa isang araw. Tatak pinoy.
Pati nga pancit inuulam ko sa kanin. Tatak pinoy.
Kung minsan gabi na ang meryenda ko ay kanin. Tatak pinoy.
Tirador ng kaning lamig… ‘yan ang karamihan ng pinoy.
Masyado na akong nawili sa pagluluto ng kanin gamit ang rice cooker. Pero ng tumira ako sa isang motel dito sa NZ nadiskubre ko na kaya ko pa palang magluto ng kanin sa tradisyunal na pamamaraan. Aba! Hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagsaing ng hindi gamit ang rice cooker. Pero dahil sa parati akong girl scout, nakunan ko pa ang proseso.
Una. Hugasan ang bigas ng dalawang beses. (Pwedeng tatlo pero kung ako lang ay dalawa lang talaga. Feeling ko ay mauubos ang sustansya.)
Rinse rice at least twice.
Pangalawa. Takalin ang lalim o taas ng bigas.
Dip a finger to check how much rice you have.
Ikatlo. Kung gaano ang lalim ng bigas ay ganon din ang dami ng tubig. Kung sakaling hindi maalsa ang nabiling bigas, sa susunod ay dagdagan ng kaunti ang tubig. Pwede ding gamitin ang pormulang ito: 1 tasang bigas sa 1 1/2 tasa ng tubig.
Basic formula:
Height of rice grains = height of water
or
For every cup of rice, add 1 1/2 cup of water.
Ikaapat. Maging hot plate man o apoy, isalang sa tamang init. Hindi max ngunit hindi sobrang hina. Takpan at huwag kalilimutan. Kapagkulo nito at hinaan ang apoy at hintaying mainin.
Cook rice over medium heat with lid closed all the time. Turn the heat low when it comes to a rolling boil and cook for another 5 minutes.
Ikalima. Patayin ang apoy at hayaang mainin sa init nito. Pwede ng ihain pagkatapos ng sampung minuto.
Turn off the heat. Ready and just right after 10 minutes.
Para sa Litratong Pinoy na may temang Tatak Pinoy, ito ang natutunan kong pamamaraan ng pagsasaing sa aking mga magulang. Kayo… marunong pa din bang magsaing?
Bilibit or not, ganito pa rin ako magluto ng kanin sa kaharian dahil unang linggo pa lang namin ddon e nasira na agad yung rice cooker na dala ko! Awa ng Diyos, minsan pa lang naman naging lugaw o nagtutong!
Pinkys last blog post..LP #14: Tatak Pinoy
Congrats, Pinky! That is something else. I mean, sa panahon ngayon na lahat ay napapadali ng kung anu-anong kitchen gadgets.
kung ako ang masusunod, gusto ko ring kumain ng kanin 3x a day he he
ganyan din ako magsaing… walang paltos, talagang tatak Pinoy yan
pinings last blog post..Tatak Pinoy
At sa yo din, Pining
ang mga taga-ibang bansa, malalaman mong nagiging pinoy na kung lagi nang naghahanap ng kanin!
magandang araw sa’yo!
lidies last blog post..LP #14 :: Tatak Pinoy
matagal na akong hindi nakapagsaing sa old fashioned way. rice cooker palagi eh.
LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan
Munchkin Mommys last blog post..LP #14: Tatak Pinoy
wow! ganung-ganun ako sa deskripsiyon mo – miryenda ay kanin pa rin! hahaha!
At di rin ako marunong magsaing pag hindi rice cooker. Useful yung tip na sinabi mo, tatandaanko yun.
ayens last blog post..Litratong Pinoy: Tatak Pinoy
hindi rin ako pwedeng walang kanin sa isang araw. walang diet pagdating sa kanin.
happy weekend!
MommyBas last blog post..Litratong Pinoy: Tatak Pinoy
Totoong totoo! Naalala ko tuloy ang tiyahin ng asawa ko laging may padalang rice cooker pag galing sa pinas…kasi daw mahal ang rice cooker kaya ayun nakaipon na sha! hehe. HAppy LP!
G_mirages last blog post..Photo Hunt – Pointed
ay ako rin ngayon ay sa kalan na kung magluto ng kanin…kasi nasira ang rice cooker ko! hahaha!
cess last blog post..LasangPinoy,Sundays#4 : SUMMER DRINKS
di ko to nakita last week ah, pero totoong tatak pinoy – parang di nakakabusog pag walang kanin
quick tagged you sis dito ha:
http://teystirol.com/2008/07/15/pinky-qs/
have a nice day!
teyss last blog post..Pinky Qs
Maraming salamat sa pagdalaw
The best talaga ang bigas ng pinoy….