Sa kabisihan, ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa isa pang LP… ang Litratong Pinoy. Nakita ko sa blog ni kaibigang Cecilia. Sayang at sana nakasali ako sa mga naunang tema. Mahilig din po kasi ako kumuha ng mga litrato kahit na halatang obvious na hindi propesyonal.
Kaya tuloy para sa aking unang Huwebes…
(Milk chocolate with colorful, flavored crispy coating)
Mukhang pang-aquarium, may asul, may pula, dilaw at berde
Masarap, matamis at sa Peking ay kung sa’n sa’n lang nabibili
Tsokolateng mukhang batong pamukpok sa ulo
Pag hinati sa gitna lalabas ang apat na kanto.
Larawang una kong nailathala dito.
Ang garlic bread…
Masarap na kasalo ng spaghetti.
Kung paano ko ito gawin ay napakasimple.
Ang dinikdik na bawang sa butter ay igisa…
pagkatapos ay ipahid sa toasted bread. Sarap na!
Ang French toast…
Paborito ng anak ko at simple lang din naman.
Paghaluin ang itlog, gatas at asukal sa isang malukong na pinggan.
Dito ang magkabilang pisngi ng tinapay ay ibabad ng kaunti.
Pagkatapos ay sa tinunaw na butter itusta sa kawali.
(Pork hamonado)
Ang apat na sulok ng nagmumurang taba ng baboy. Huwawww!!!
Dito po basahin kung paano lutuin.
I am not a professional cook. My only claim to having a culinary background is a short stint as my dad’s teen ‘sous chef’ in his carinderia ages ago. Dad ran small eateries since I was a young kid - serving standard ‘turo-turo’ food ranging from the likes of menudo, adobo, pritong isda, dinuguan, binagoongan, bopis, munggo, pinakbet and giniling to merienda fares like goto, ginataan, pancit bihon, halu-halo and saging con yelo.
My father, a farmer in his hometown before working his way to becoming an accountant, definitely influenced my cooking in a lot of ways than I thought. My siblings and I were raised in a backyard full of fruit trees and vegetable garden. We spent weekends and the summer breaks running around with ducks, chickens, goats and pigs. I had wonderful memories of gathering eggs, butchering chickens, selling vegetables and the sweet aroma of preserved fruits. But my love for art led me to a degree in Architecture. Just few months after getting my license, I went abroad and lived independently at age 23. Definitely no maid, no cook, and a totally different food culture. Along the way I met lots of friends and spent what seemed a lifetime learning new tricks and recipes.
Now living in Auckland, I am a work-from-home mum who juggles time between work, fun and family - in pursuit of work-life balance. No matter how busy I am, I love the idea of cooking for my family. My blog chronicles home cooking greatly influenced by life outside my home country from Southeast Asia to Beijing and Auckland. And most of the time, being busy also means easy (sometimes quick), affordable meals.
aba naman! at naunahan mo pa ako sa ikatlong LP! hahaha! paumanhin, at talaga namang sasabihan kita, bisi nga! hahaha! ay sha, ako naman ang maghahanap ng apat na kanto:) nice shots sister!
Iska! Ang sarap naman ng mga parisulat dito sa bahay mo. Pati yung nasa bento box entry mo, ok din
Maligayang araw ng Huwebes sa iyo (bagaman hapon na dito).
Nakakagutom. Sabi na nga ba, bawang yun. Ang ganda ng mga litrato.
katakam-takam naman ng iyong lahok para sa LP, lalo na yung huli. parang biglang tumaas ang dugo ko pagkakita ko pa lang hehe!
welcome to LP, iska!
MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat
oh my gulay. nagugutom ako sa piktyurs mo
ito ang pinakagusto ko sa lahat ng lahok ngayon basta pagkain solve! heheh
ang galing ng mga kuha mo iska!
Hi Iska! Yey!! ang galing nyo naman nila tita ces at Tita babyrambutan, mga chefs na, photographers pa!
welcome sa LP….mabilisan na tingin lang at gabi na dito, mahirap gutumin ha ha ha!
Iska, paborito ko yung rock chocolate na iyan…nabibili ko yan sa Aji Ichiban dati… kaso wala ng ganoon sa Pinas eh.
Nakakagutom naman itong entry mo… the hamonado looks so yummy.
Hi Iska! Welcome sa LP!
Sobrang naaliw ako sa title ng blog mo at mas lalo akong natuwa (at nagutom na rin) sa unang lahok mo ngayong linggo – sarap-sarap! Di mo naitatanong e paborito namin ng asawa ko ang “rock candy” habang gustong-gusto din ng mga anak ko ang French toast.
Asahan mong dadalaw uli ako sa susunod na Huwebes… Ingat!
nakakagutom ang iyong mga parisukat! yum! hehe!
magandang araw sa’yo!
aba ces, syempre naunahan kita dahil unang sumisikat ang araw further down under
hi julie, alpha, meeya,
salamat at nasarapan kayo sa aking mga larawan! nalula ka ba sa taba, meeya? hehehe pramis masarap sya at hindi nakakahilo dahil melts in your mouth sya…
Em Dy, mousey, lidie,
salamat din at bukod sa nagutom kayo ay nagustuhan nyo ang aking mga pektyurs…
hi thess! alam ko isa ka din chef. at ang ganda ng magnet mo ha…
clicking away, Pinky,
oo nga masarap yung chokolateng yun. pero sa beijing lang ako talaga nakatakim noon…
Pinky, salamat sa welcome! naISKAndalo ka ba sa URL ko? hehehehe si hubby kasi ang nagregalo sa akin nyan. kailangan ko daw ng may dating na URL hehehehe ang kulit!
nice site! nice pictures! love it! yummy!
ang sasarap naman nyang mga litrato mo!!! mahilig ako sa tsokolate at garlic bread pero un panghuli medyo nakaka-high-blood ata, pero kakainin ko pa din yan kasi matakaw ako! hahaha! hanggang sa susunod na huwebes!
una ko itong pagbisita sa iyong site. nakakagutom ang mga lahok mo, hehehe! hanggang sa susunod na linggo sa LP, katoto!
Nakakagutom naman ang apat na kanto na to. Paborito ko din yung mga tsokolate na parang bato!
http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-apat-na-kanto.html
grabe naman! nagugutom tuloy ako…hindi pa naman ako makakain because of my minor oral operation.
ang ganda ng iyong mga kuha
Hi yvelle, Dragon Lady! Salamat sa dalaw hanggang sa muli!
Hello Grey, OK lang yan basta hindi naman araw araw hindi ba? masarap kasi ang taba ewan ko ba
Buge and Lizette, sana nakakagutom din uli ang mabigay kong litrato bukas.
yummy yung milk chocolate na yan. yung parang rocks!