iskandals-chinesechoco.jpg

Litratong Pinoy 3: Apat na Kanto

Share on FacebookPin on PinterestShare on LinkedInShare on Google+Email this to someonePrint this page

Sa kabisihan, ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa isa pang LP… ang Litratong Pinoy. Nakita ko sa blog ni kaibigang Cecilia. Sayang at sana nakasali ako sa mga naunang tema. Mahilig din po kasi ako kumuha ng mga litrato kahit na halatang obvious na hindi propesyonal.

Kaya tuloy para sa aking unang Huwebes…


(Milk chocolate with colorful, flavored crispy coating)
Mukhang pang-aquarium, may asul, may pula, dilaw at berde
Masarap, matamis at sa Peking ay kung sa’n sa’n lang nabibili
Tsokolateng mukhang batong pamukpok sa ulo
Pag hinati sa gitna lalabas ang apat na kanto.
Larawang una kong nailathala dito.


Ang garlic bread…
Masarap na kasalo ng spaghetti.
Kung paano ko ito gawin ay napakasimple.
Ang dinikdik na bawang sa butter ay igisa…
pagkatapos ay ipahid sa toasted bread. Sarap na!


Ang French toast
Paborito ng anak ko at simple lang din naman.
Paghaluin ang itlog, gatas at asukal sa isang malukong na pinggan.
Dito ang magkabilang pisngi ng tinapay ay ibabad ng kaunti.
Pagkatapos ay sa tinunaw na butter itusta sa kawali.


(Pork hamonado)
Ang apat na sulok ng nagmumurang taba ng baboy. Huwawww!!!
Dito
po basahin kung paano lutuin.

lp2.jpg

Share on FacebookPin on PinterestShare on LinkedInShare on Google+Email this to someonePrint this page
Iska
I am not a professional cook. My only claim to having a culinary background is a short stint as my dad’s teen ‘sous chef’ in his carinderia ages ago. Dad ran small eateries since I was a young kid - serving standard ‘turo-turo’ food ranging from the likes of menudo, adobo, pritong isda, dinuguan, binagoongan, bopis, munggo, pinakbet and giniling to merienda fares like goto, ginataan, pancit bihon, halu-halo and saging con yelo.

My father, a farmer in his hometown before working his way to becoming an accountant, definitely influenced my cooking in a lot of ways than I thought. My siblings and I were raised in a backyard full of fruit trees and vegetable garden. We spent weekends and the summer breaks running around with ducks, chickens, goats and pigs. I had wonderful memories of gathering eggs, butchering chickens, selling vegetables and the sweet aroma of preserved fruits. But my love for art led me to a degree in Architecture. Just few months after getting my license, I went abroad and lived independently at age 23. Definitely no maid, no cook, and a totally different food culture. Along the way I met lots of friends and spent what seemed a lifetime learning new tricks and recipes.

Now living in Auckland, I am a work-from-home mum who juggles time between work, fun and family - in pursuit of work-life balance. No matter how busy I am, I love the idea of cooking for my family. My blog chronicles home cooking greatly influenced by life outside my home country from Southeast Asia to Beijing and Auckland. And most of the time, being busy also means easy (sometimes quick), affordable meals.

19 thoughts on “Litratong Pinoy 3: Apat na Kanto

  1. aba naman! at naunahan mo pa ako sa ikatlong LP! hahaha! paumanhin, at talaga namang sasabihan kita, bisi nga! hahaha! ay sha, ako naman ang maghahanap ng apat na kanto:) nice shots sister!

  2. Iska! Ang sarap naman ng mga parisulat dito sa bahay mo. Pati yung nasa bento box entry mo, ok din :)

    Maligayang araw ng Huwebes sa iyo (bagaman hapon na dito).

  3. Hi Iska! Yey!! ang galing nyo naman nila tita ces at Tita babyrambutan, mga chefs na, photographers pa!

    welcome sa LP….mabilisan na tingin lang at gabi na dito, mahirap gutumin ha ha ha!

  4. Iska, paborito ko yung rock chocolate na iyan…nabibili ko yan sa Aji Ichiban dati… kaso wala ng ganoon sa Pinas eh.

    Nakakagutom naman itong entry mo… the hamonado looks so yummy.

  5. Hi Iska! Welcome sa LP! :)

    Sobrang naaliw ako sa title ng blog mo at mas lalo akong natuwa (at nagutom na rin) sa unang lahok mo ngayong linggo – sarap-sarap! Di mo naitatanong e paborito namin ng asawa ko ang “rock candy” habang gustong-gusto din ng mga anak ko ang French toast.

    Asahan mong dadalaw uli ako sa susunod na Huwebes… Ingat! :D

  6. aba ces, syempre naunahan kita dahil unang sumisikat ang araw further down under :-)

    hi julie, alpha, meeya,
    salamat at nasarapan kayo sa aking mga larawan! nalula ka ba sa taba, meeya? hehehe pramis masarap sya at hindi nakakahilo dahil melts in your mouth sya…
    Em Dy, mousey, lidie,
    salamat din at bukod sa nagutom kayo ay nagustuhan nyo ang aking mga pektyurs…

    hi thess! alam ko isa ka din chef. at ang ganda ng magnet mo ha…

    clicking away, Pinky,
    oo nga masarap yung chokolateng yun. pero sa beijing lang ako talaga nakatakim noon…

    Pinky, salamat sa welcome! naISKAndalo ka ba sa URL ko? hehehehe si hubby kasi ang nagregalo sa akin nyan. kailangan ko daw ng may dating na URL hehehehe ang kulit!

  7. ang sasarap naman nyang mga litrato mo!!! mahilig ako sa tsokolate at garlic bread pero un panghuli medyo nakaka-high-blood ata, pero kakainin ko pa din yan kasi matakaw ako! hahaha! :D hanggang sa susunod na huwebes!

  8. Hi yvelle, Dragon Lady! Salamat sa dalaw :-) hanggang sa muli!
    Hello Grey, OK lang yan basta hindi naman araw araw hindi ba? masarap kasi ang taba ewan ko ba :D
    Buge and Lizette, sana nakakagutom din uli ang mabigay kong litrato bukas.

Leave a Reply to Lizeth Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge