LP#27: Aking Kompyuter

Eto ang aking kompyuter. Ang aking buhay sa bahay pag walang magawa.
Pag weekends at hindi lumabas ng bahay.
Pag tapos na magluto o maghugas ng pinggan o maglinis ng bahay.

Pag weekdays naman ay kaharap pa din pag-uwi ng bahay galing trabaho.
Pag walang lakad sa gabi. As usual, pagkatapos kumain ng hapunan.
Sa mga araw na hindi type ang palabas sa TV o walang bagong DVD na panonoorin.

iskandals-mycomp3.jpg
(ISKAndals.com)

iskandals-mycomp2.jpg
(That’s how my page looks when you click the “pull” tag…)

Continue reading “LP#27: Aking Kompyuter”

iskandals-peking-duck3.jpg

LP20: Liwaliw sa Beijing

Mula ng dumating at manirahan kami sa Beijing noong 2002, ang parati kong tanong ay “nandito pa kaya tayo sa Olympics?” Ngayon alam ko na ang sagot… wala na! Hahahaha! Pero kahit nandun pa kami malamang ay hindi din kami makakapanood. Sa dami ng tao lalo na mayaman at mga makapangyarihang politiko, mahirap makakuha ng tiket ang isang ordinaryong expat. Sabi nga ng mga kaibigan ko doon (lokal man o Pinoy), ang mabibili mo lang sa ngayon ay entrance para sa mga larong hindi popular at hindi sa Bird’s Nest o Water Cube. Sold-out na lahat.

Hindi na bale… hahandugan ko na lang kayo ng mga larawan ko sa Beijing. Kung pupunta ka sa capital ng Tsina, wag kalimutang tumikim ng Peking duck. Yan po ang aking huling Peking duck sa Peking nung aking huling birthday doon.

(Where else to enjoy the best Peking duck but in Peking a.k.a. Beijing!)

Opkors, kailangang ipagyabang ko ang larawan ko sa Bird’s Nest noong nakaraang liwaliw ko nung Pasko sa Beijing… kung saan ginanap ang opening ng Olympics Games ngayon.
iskandals-birdnest.jpg
(The Bird’s Nest still under construction.)

Continue reading “LP20: Liwaliw sa Beijing”

iskandals-burger3.jpg

LP#17 – Sa Gawing Kanluran

Sa gawing kanluran…

Ang pagkain ay hamburger. Hahaha! Ang ibig ko bang sabihin ay ito ang unang pumapasok sa isipan ‘pag ang pinag-uusapan ay pagkain sa bansang Amerika. Tulad ng nakaraang July 4, nagyaya ang ilang mga kaopisina kong Kano na mag lunch out bilang pagse-celebrate ng kanilang espesyal na okasyon. Hindi nga ako sana sasama dahil meron akong baong pagkain pero napilit ako ng kanong katabi ko dahil bilang isang Pinoy na minsan ay nag-celebrate ng Independence Day sa parehong araw ay higit kanino man ay may K daw akong sumama. E di syempre… sama ang lola nyo (bukod sa matagal na din ako hindi gumagastos hehehehe….) Hulaan nyo saan kami kumain? Sabi ng kano…ang pagpipilian ay Mcdo o Burger King. Burger King kami! Yey! May libre pang Batman na laruan ang kiddie meal!

Para sa Litratong Pinoy #17, eto ang aking masarap na burger steak, mas masarap kasi sa kanin kesa sa tinapay hehehehe…
iskandals-burger3.jpgiskandals-burger1.jpg
(Homemade burger steak with mushroom sauce)

Continue reading “LP#17 – Sa Gawing Kanluran”

iskandals-choco2.jpg

Ang Pag-aaral at Tsokolate

(Chocolate- Food for the Brain)

iskandals-choco1.jpg

Sabi ng karamihan, ‘wag bigyan ng tsokolate ang mga bata. Makakasira ng ngipin, nakaka-hyper, nakaka-taba, etcetera at iba pa. Sa akin naman OK lang yun. Para sa akin, masama lang naman ang isang bagay kung sobra.

Saka hindi kaya child abuse na yun pag pinigilan? (Hehehehe… joke lang po para sa mga kaaway ng tsokolate). Pero sino ba ang batang aayaw? Lalo pa at sa mga bagong pagsusuri, food for the brain daw ito. Mahusay sa memorya at tunay na nakaka-hyper ng ilang oras kaya maigi kainin habang nag-aaral o bago mag-exam.

Continue reading “Ang Pag-aaral at Tsokolate”

iskandals-recipebook.jpg

LP#11: Pato Mang May Layang Lumipad…

(The Flying ducks)
iskandals-recipebook.jpg
Sila po ang mga pato sa aming neighborhood. Kasama nila ay mga pukeko at kung minsan naman ay mga sea gulls na palipa-lipana lamang sa kung saan-saan. May isang linggo na kasi silang hindi nadadalaw sa tapat ng aming bahay kaya kahit malamig ang hangin pero mataas naman ang araw, nilakad ko ang malapit na reserve area sa amin. Wala pang limang minuto ay nandito na ako, dala ang aking bagong biling cookbook upang magbasa-basa. May dala din akong tinapay para sa aking mga paboritong mga kalaro. Kaysarap nilang tingnan, hindi ba? Malayang nagagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. Malayang manirahan sa kung saang lugar nila gusto manatili.

Continue reading “LP#11: Pato Mang May Layang Lumipad…”

iskandals-crayfish3.jpg

LP#9: Ihip ng Hangin

Taglagas na talaga! Sa ihip ng hangin ay naglalaglagan ang mga tuyong dahon sa likuran ng aking rock lobster.(Recipe na matatagpuan dito.)

iskandals-crayfish3.jpg

Sa pangalawang pagkakataon para sa Litratong Pinoy, ito ay larawang kuha sa aming hardin. Kung inyong madadalaw ang aking Binagoongan post ay makikita ang puno na kulay berde pa. Sa aking LP#8, taglagas na talaga at ang dahon ay medyo kulay dilaw na. Pero sa pagbagsak sa lupa ito ay singpula na ng rock lobster.

Continue reading “LP#9: Ihip ng Hangin”

malungkot21.jpg

Ang Malungkot na LP5

Nagbakasyon sa New Zealand para hanapin si Gollum at Frodo. Kayganda ng Lake Taupo pero…

Magbakasyon ba namang mag-isa at hindi kapiling ang pamilya.
Nagising sa umaga sa lamig ng winter breeze.
Maulap at tila ayaw sumilip ng araw.
Pati kulay ng mansanas tila ba ayaw maging pula.
Hindi ba’t kaylungkot?
Yan po ako nung una kong linggo sa kiwiland. Larawang unang nalathala dito.
(Breakfast at Lake Taupo)

Continue reading “Ang Malungkot na LP5″