I know some of my readers are non-pinoys especially those of you frequenting my site for that killer recipe to impress (or kill) your pinoy partners. My apologies. This post is in Tagalog.
Ika nga ni Toni, break muna! Break muna ako ng dalawang araw. Grabeng trabaho ang ginawa namin nitong mga nakaraang araw. Puyatan kaya pahinga muna kami. Nanood ng Philippine Bayanihan Dance Troupe kahapon. Korek! Dito sa Beijing yan… alay ng embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy dito para sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day. Pagkatapos nun ay kumain sa isang restaurant para lang makakuha ng libre ng isang partikular na magasin dito para sa mga expats; isyu ng buwan na ito na naglalaman ng mga pagmumukha ng anak ko (O di ba nga naman… bukas o sa makalawa ay i-post ko naman din yun kasama ng pagkain namin). Kasama na din sa aming “pahinga” ay ang paglilinis ng bahay at internet na walang humpay kaya napagtuunan ko ng husto ang makulit na pagsisiyasat ni Toni. (Pagsisiyasat: tagalog ng survey – mula sa impormasyong galing kay Lisa.) Heto ang aking mga kasagutan…
Ano ang iyong almusal kanina?
Kape at donuts na nabili namin kahapon sa Carrefour, ininit sa microwave. Kakaibang donuts ang Chinese donuts kase hindi ito nababalutan ng asukal. Kaya si A may katabing asukal kung saan nya sinasawsaw ito.
Ikaw ay may itlog – nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
Isasawsaw ko lang sa asin at kakainin ng mga tatlo hanggang apat na subuan.
Ano ang paborito mong local na junkfood?
Chippy!
Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling.)
Naiisip ko mga local Chinese dito ang mga bisita ko kaya yung alam kong gusto o magugustuhan nila. Medyo South-east Asian ang naiisip kong ihanda dahil sa hindi naman din sila mahilig sa western food. Isipan na lang ng magandang presentasyon para grande ang dating…
– Appetizer: Burong mustasa at atchara. Mahilig sila sa mga pickled ek-ek kaya atchara (Oops… tagal na akong hindi gumagawa ng atchara. Kaya pa kaya ng powers ko?).
– Soup: Sup tulang – oxtail soup na medyo hawig sa bulalo natin. May gulay na kasama na dahil mahilig sila talaga sa madaming-madaming gulay. (Hmmm naalala ko tuloy ang sinabi ni batjay tungkol sa pagkain ng madaming gulay. Kaya pala higit pa sa 1/5 na bahagi ng populasyon ng mundo ay nasa China lamang…)
– Main course: CPA (chicken & pork adobo) pero yung patuyo at may itlog ng pugo na mala-tea eggs nila, ginataang sitaw/kalabasa na may hipon at plain rice. Samahan ko na din ng steamed kangkong. Pasensya na ang dami ng main course ko. Ganyan sila kadami kumain e pero isang maliit na mangkok lang ang kanin na katapat nyan. Bakit kaya hindi sila tumataba? Kainis!
– Dessert: Saging o mangga na imported galing Pilipinas (daw) na nabibili dito sa mga supermarkets.
Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Doon sa isang government-owned old Chinese resto dito sa Beijing. Hindi ko tanda ang name nya sa Putonghua (mandarin). Mukhang ordinaryong staff canteen lang yan sa atin, mura lang pero sikat sya lalo na sa peking duck at puntahan ng lahat ng local Beijingers at dinadayo ng local tourists. Nami-miss ko na kase ang authentic peking duck e. Pag nakapunta uli syempre magpipiktyur ako para mai-blog.
Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Sa Lan. Chinese restaurant yan dito sa Beijing na disenyo ni Philippe Starck. Hindi naman kagandahan ang feedback sa service nila pero syempre gusto ko lang makita ang design at makapagpakuha ng picture. Para naman balang araw ay masabing kahit isang beses sa buhay ko ay nakakain at nakapasok ako dito (hehehehe…). Masarap naman siguro ang pagkain kase ang management nya ay isang sikat na restaurant chain dito na nagustuhan ko ang mga pagkain. Nagpunta na kami minsan sa Lan na yan kaya lang sarado pa. Hindi pala sila bukas ng tanghali.
May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Hahahaha syempre tulad ni Toni ayaw ko din makakita ng langaw ano�Ķ at ayaw ko din ng buhok lalo na kung kulot. Seriously, dito sa China ayaw ko ng Chinese sausage na sahog kase syempre pizza nga e gusto ko Italian. So far, isa pa lang na resto dito ang nagustuhan ko ang pizza nila na meron nito.
Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
Gusto ko parate yung almusal – tapsilog o cornsilog. Pag hindi almusal yung peach-mango pie (meron pa ba nun?).
Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Dahil wala akong sampalok o sinigang mix, lemon ang ginagamit kong pampaasim. Paborito kong gulay na halo ay sitaw, talong, kangkong at gabi. Kung may okra at mustasa na available OK din. Basta gusto ko maasim at hindi basta naasiman lang.
Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
Kanin! Kanin lang ang katapat niyan para sa akin! Kahit walang ketchup ay OK na.
Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Kumakain ako at nagluluto din. Ang alam ko na kinatatakutan dito ng karamihan ay yung dugo mismo at kung may sahog na bituka. Bihira din naman ako magluto nito. Tulad ng isang beses siguro sa loob ng 4 na buwan. Pero infernes… masarap sya talaga!
Salamat Toni! Ang saya! Kayo dyan? Share din kayo….
Nakakatuwa naman basahin post mo…kahit papaano nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sayo
Ang kulet n’yang meme na yan. Nag enjoy rin ako sa pagsagot, nasa eljay ko. My answers: http://kaoko-cow.livejournal.com/132013.html
At ang aliw ha, how sowsi your sinigang! Lemons!
Sabagay, para sigurong sinigang sa kalamansi yun no?
matagal na akong di nakakakain ng spicy tulang. simula nang umalis kami sa singapore ay di na ako masyadong nakakatikim ng bulalo ng kambing.
Hmmm . . . Parang gusto ko din yata pumunta dun sa Lan ah . . . Natatandaan ko nitong huli kong punta sa Hong Kong ako ay nagtungo sa Peninsula Hotel at nag-meryenda sa Felix – isa ding restaurant doon na design din ni Philippe Starck pero naka-hiyaan kong kumuha ng larawan . . . Hahaha!
nag-share din ako niyan, courtesy of toni rin
aha! kaya siguro ako mataba kasi baligtad ako, madaming kanin konting ulam hehe.
hi anne! mabuti naman at mukhang napasaya kita sa post ko. sali ka na din…
kaoko, sa sobrang tagal ko nang gumagamit ng lemon pang sigang hindi ko na maalala ang lasa ng kalamansi hehehe… pero buti na lang may mabait na nagbigay sa amin ng ilang paketeng sinigang mix. magagamit ko na din.
oo nga pala BatJay, galing ka ng singa kaya pamilyar ka din sa pagkaing malay at baba-nyonya. nakaka-miss nga yan. dito may pinupuntahan kaming resto na singaporean at mga indonesian pag nakakaramdam ng pagka-miss. salamat sa pagbisita!
mang mayk, harinaway hindi ako mahiya pag nakapunta na ako dun. sigurado akong mga expats at locals ay nagkakagulo din sa pagpapakuha ng larawan dun.
MrsPartyGirl, pareho lang tayo… pinoy na pinoy kung kumain. pati nga pansit inuulam ko sa kanin hehehe (oops diet nga pala ako ngayon sa carbs)
Pwede bang dumalo sa inyong pagtitipon? Dedma na sa diet!
Salamat sa pagsagot nitong makulit na pagsisiyasat.