Nagbakasyon sa New Zealand para hanapin si Gollum at Frodo. Kayganda ng Lake Taupo pero…
Magbakasyon ba namang mag-isa at hindi kapiling ang pamilya.
Nagising sa umaga sa lamig ng winter breeze.
Maulap at tila ayaw sumilip ng araw.
Pati kulay ng mansanas tila ba ayaw maging pula.
Hindi ba’t kaylungkot?
Yan po ako nung una kong linggo sa kiwiland. Larawang unang nalathala dito.
(Breakfast at Lake Taupo)
Maaring ikumpara sa ibong ito na kinunan ko ng larawan sa Ninety Mile Beach. Malaya nga ngunit nag-iisa.
(The lone bird)
Teka… dalawa pala kami ng ibon sa dalampasigan.
Para sa ikalimang Huwebes ng Litratong Pinoy na may temang “malungkot” ngayong Mayo Uno. Uno para sa pag-iisa.
(Baka lang malito ang mambabasa, hindi na po ako malungkot ngayon sapagkat hindi na ako nag-iisa. Tapos na din ang bakasyon. Ang mga larawan ay kuha 6 na buwan na ang nakararaan.)
Salamat nga pala sa mga kinauukulan at ako’y kasapi na sa mga litratista ng LP!
Dadag at pagkaklaro:
Tapos na po ang bakasyon ko mag-isa sa New Zealand. Ngayon ay kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay dito pa din sa NZ. Dito na mamamalagi kaya hindi na po bakasyon na matatawag. Hindi ba at masaya na?
I am not a professional cook. My only claim to having a culinary background is a short stint as my dad’s teen ‘sous chef’ in his carinderia ages ago. Dad ran small eateries since I was a young kid - serving standard ‘turo-turo’ food ranging from the likes of menudo, adobo, pritong isda, dinuguan, binagoongan, bopis, munggo, pinakbet and giniling to merienda fares like goto, ginataan, pancit bihon, halu-halo and saging con yelo.
My father, a farmer in his hometown before working his way to becoming an accountant, definitely influenced my cooking in a lot of ways than I thought. My siblings and I were raised in a backyard full of fruit trees and vegetable garden. We spent weekends and the summer breaks running around with ducks, chickens, goats and pigs. I had wonderful memories of gathering eggs, butchering chickens, selling vegetables and the sweet aroma of preserved fruits. But my love for art led me to a degree in Architecture. Just few months after getting my license, I went abroad and lived independently at age 23. Definitely no maid, no cook, and a totally different food culture. Along the way I met lots of friends and spent what seemed a lifetime learning new tricks and recipes.
Now living in Auckland, I am a work-from-home mum who juggles time between work, fun and family - in pursuit of work-life balance. No matter how busy I am, I love the idea of cooking for my family. My blog chronicles home cooking greatly influenced by life outside my home country from Southeast Asia to Beijing and Auckland. And most of the time, being busy also means easy (sometimes quick), affordable meals.
malungkot na ibon pero kakatuwa yung kanyang beak – angat na angat yung kulay against the solemn monochromatic grey background.
oo nga malungkot magbakasyon mag-isa…
magandang lp!
kung nag-iisa ako tapos ganyan din ang tanawin na makikita ko… nakakalungkot nga.
Totoo ang sinabi mo, Iska, kahit gaano kaganda pa ang isang lugar na bakasyunan, tila di mo malasap ng husto ang kagandahan nito kung ang iyong isip at kalooban ay nasa ibang lugar naman…
Mabuti naman at di ka na malungkot ngayon. Maligayang Huwebes, kabayan!
ganda ng anggulo… magandang araw ng huwebes…
ang ganda naman…nakakalungkot nga lang na walang ka-share dito. hay.
ganda ng kuha mo.
Malungkot mag isa noh…lalo na kung nasa ganitong mga lugar.
maligayang LP
ganda naman ng lugar, so serene! minsan masarap din ang magisa, nakakapag isip ng mga bagay-bagay sa buhay mo…at kung ano-ano pa! happy webes!
kay ganda ng iyong mga lahok… kahit kalungkutan ang tema, napaka-ganda pa rin…
magandang huwebes sa’yo!
Mukha ngang malungkot ang naging bakasyon mo… pero okay lang yon, minsan talaga ay kailangan nating mapag-isa para mahanap ang ating sarili.
Maligayan Huwebes!
maganda at expressive ang iyong mga kuha. madadama ang kalungkutan sa mga ito bakit ka naman nagbakasyon mag-isa kasi?
malungkot nga pag d kumpleto pag nagbabakasyon lalo’t malayo sa kanila. magulo at masya pag buo ang pamilya
eto akin
http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-5-malungkot-sad.html
Hindi kumpleto di ba? Mas masaya sana kung kasama mo sila, haay. Kahit ako nakakaramdam din ng ganyan, hindi nga lang sa pamilya.
oo tama ka, malungkot dahil di mo kasama pamilya sa pagbakasyon, kahit gaano pa ka ganda ang lugar di ba?
nakakalungkot talaga mag bakasyon mag isa… wala kang kasama pag nagpa picture ka…kaya pati ang langit ay kulimlim… nagsasabi na malungkot din sya…
happy huwebes…:)
Iska, maganda ang iyong litrato bagamat nakakalungkot nga ang iyong interpretasyon. Mahirap talaga ang mag-isa lalut-lalo na kung ikaw ay nasa isang magandang dalampasigan na mag-isa.
Mabuti naman at ika’y masaya na rin ngayon.
ay, malungkot nga yan. i don’t like the feeling na nag iisa at kong ano ano kasi ang naiisip ko. wishing you better days and a someone to keep you company
salamat at nagustuhan nyo ang aking larawan
para lang mas klaro… tapos na po ang bakasyon ko mag-isa sa NZ. ngayon ay magkakasama na kaming lahat dito pa din sa NZ at dito na mamamalagi kaya hindi na po bakasyon na matatawag. hindi ba at masaya na?
ang ganda ng pagkakakuha mo..lalo na yung ibon!
hmmm ok lang cgro ako mag breakfast mag-isa..walang kaagaw sa pandesal kung sakali he he ( ang damot ano?)
kahit saang parte ng mundo kapag hindi kasama ang pamilya, malungkot talaga.
magandang huwebes at maganda rin ang mga litrato mo.
My LP Entry
wow ang ganda ng larawan mo iska, may statement. Magaling!
tsk tsk nakakalungkot ngang mag-isa sa buhay lalo’t nasa ibang bansa.
Mabuti na lang at kasama ko ang aking pamilya dito.
ang ganda ng unang larawan, gusto ko sya!
malungkot nga, tila may nagbabadyang ulan na parating. Mabuti na lang me ibon, kahit paano,may nakasama ka
sister! ang ganda ng kuha ng kalungkutan moh!
hindi talaga masaya ang mag-isa. ako man, dalhin mo sa lugar na iyan ng mag-isa, mapapaisip ako at mapapa-emote.
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
wow, buti ka pa nasa “shire” ngayon. i think your photos are “precioussss”!
Ang ganda naman ng mga kuha mo na litrato. Sa pag-iisa mo sa lugar na yan ay napakaganda din pagkakataon para makapag-isip isip ng mga bagay-bagay at mga saloobin na madalas naisantabi lang. Ganun din siguro pakiramdam ng ibon noh?
Wow! Ang galing ng pagkakakuha. 2 blog na ang nadalaw ko na tiga-NZ ang sumulat at parehong nagustuhan ko ang mga nakita ko sa litrato.
happy weekend!
ayoko din nang mag-isa pero isang magndang pagkakataon din naman upang makapagmunimuni, hindi ba?